A celebration of life

From Bodgie and Tess

by Bodgie and Tess Lebag

Nabalitaan po namin pumanaw na si kuya Nguu. Napakabait ni kuya Nguu at sobrang nakakalungkot po ang pangyayari. Pasensya na po at hindi ako nakatawag noong may sakit sya. Ngayon po sinusubukan ko na tawagan mobile number nyo na bigay sa akin ni kuya Bong pero di po ako makakontak. Tinawagan ko po si Ate at sabi nya pupunta daw sya dyan sa Sunday, kaya tatawagan ko na lang po si Ate sa Sunday para makausap ko din po kayo. Ate Elvie magpapadala po ako ng kaunting tulong sa inyo, ipapaabot ko na lang kay Ate.

Lakasan nyo po loob ang nyo at mag iingat kayo lagi. May our Lord give you comfort at this trying times. We are praying for the soul of kuya Nguu. May his soul rest in peace.

Nakita po namin ang mga pictures na pinost ni ate Loida sa facebook. Nakakalungkot. It’s hard to accept but life offers no choice but to move on without kuya Nguu. May the memories of the beautiful and well-lived life of Kuya Nguu give you comfort. May you always feel his love and presence in your family. He will be around to watch over you and surely he only wanted you all to be ok.

I will always remember kuya Nguu with his calm and relax presence. May his soul rest in peace.

God bless Ate Elvie. Be strong. Be safe and healthy for your love ones.

— Bodgie

Just want to share lang Ate Elvie, our pictures way back 2013. During Martin’s baptism and fiesta ng barangay namin na may karera ng kalabaw that time. Wala pong ibang masabi sila kuya at ama sa inyong 2 ni kuya Nguu kundi ang napakabait nyo at very “cowboy” kumbaga. Nakasama nila kayong nanood saglit ng karera ng kalabaw noon kasama si tatay.

Si ama po ay mahina na rin dala nga ng dalawang bases nyang stroke, pero pasalamat po kami at hanggang ngayon ay nandito pa rin sya. Di ko pa po nakukwento sa kanya nangyari kay kuya Nguu pero tyak na malulungkot din yun sa balita.

Our deepest sympathy to you Ate Elvie and the whole family. My prayer is that the Lord will give you comfort and strength in this very hard time.

Also, gusto ko pong ishare sa inyo how I retrieve the attached photos. Sinearch po namin ni david files ng mga pictures, di po namin makita, sinearch namin by dates di nag appear. Then nagstop na po kami magsearch at matutulog na sya. Sabi nya, next time mo na hanapin. Sabi ko 5 minutes more, hanapin ko lang. Sabi ko lang sa sarili ko, “kuya Ngu nasan ba picture nyo, turo mo naman😅. Then ilang open lang ng folders makita ko na.

— Tess